EXCLUSIVE FOR WORLD CHANGERS ONLY
One of my best days. Kninang morning, 10am pa 1st class ko. So past 9am ako gumising. Hindi naman ganoon ka-late para sa iba pero every morning, nagde-devotionals ako. Ngayon, nawalan ako ng oras pra mg-devotional, kc mali-late na ako for PE, 1st class ko. Pagdating ko school, napansin ko kung gaano ako ka-impatient at ka-reklamador, dun ko nasabing mahirap talaga pag di mo sinimulan ng tama araw mo. Pagkatapos ng PE namin, nag-lunch na ang mga friends ko. Ako, pinili ko mg-lunch sa J Building. Ibang “bread” ang kinain ko, “living bread” at dun ako na-remedyohan at nagbalik ang default mode ko. Salamat naman. Pag-akyat ko sa 5th floor, para sa Math sub namin. Napansin ko ang isang kaklase ko, troubled. Yung masasabi mo talagang “iiyak na yan” sinabihan ko sya, “samahan mo ko uminon ng water” at sinamahan nya naman ako.. Tapos kinausap ko. BV pala sya. Sobrang BV daw. Sinabi ko sa kanya kung anong nangyari sa akin kninang morning. Nakinig naman sya. May isang tao pala syang kinaiinisan.. Sabi ko naman “forgiveness” medyo mataas dn ung napag-usapan namin. Good thing, nakinig sya. Good friend! Pagkatapos nun, normal na lahat. Ordinary classes kumbaga. Eto, pauwi na kami ni ate Rox galing church. Katatapos lang ng summit namin. Sumakay kami ng jeep. Sa bandang Illustre, muntikan nang mkabangga ng taxi ang jeep na aming sinasakyan. Nag-moment pa sila at nagmurahan, hindi mahalan!! Gulong gulo. Konti nalang sana at Limso Medical na sana kami papunta. Pero, habang papalapit na kami sa may Roxas, bumalik bglaan ang jeep pabalik UM. Napag-alaman naming, di na madadaanan ang babaan namin ni Ate Rox.. Malas tingnan. Napagpasyahan namin tumungong Magallanes, may ng-sisigawan at murahan nanaman. Family problems sa gitna ng lansangan. Moment ulit!! Supposed to be, ma-feel ko na tlga kung gaano kamalas ang araw nato. Pero nung sumakay na si ate rox ng ibang jeep, at ako ay sumakay ng padyak. May nkasabay akong lalake. Namumukhaan ko sya. Tama! Siya pala ung bagong Encounter lang na nagtestimony sa church! Gay po sya, HIV Positive. Hndi ko napigilan sarili ko at naki-chika ako! Ito ang moment! Haha. Ibang-iba! Napagalaman kong, pinapaalis na pla sya nuon sa kanila kc dahil sa kondisyon nya. Ngayon, may mga scar na sya na nagsisimbolo ng healing nya. Miracle!! Totally healed! Galing ni Lord!! Habang papalapit na kami sa kabilang babaan, pansin ko talaga na ibang-iba na ang treatment nla kay kuya-churchmate. May kumustahan at may good night pa. Havey!!! Grabe. Blessed na blessed talaga ako habang nakikinig lang. Ang pagkaka-alam nya wala nang silbi life nya, kaso dumating lang si isang churchmate ko, pinagsabihan sya ng mga ganito, nag-Encounter. Dun dn po ako nag-simula. Galiiiiiing!! Bumaba na si kuya-churchmate. Sabi ko, “good night!” Ako naman sumunod, binayaran ko na si kuya driver. May sukli pa sana ako. Pero sabi ni Lord, i-bless ko si kuya-driver. Sabi ko, “kuya keep the change” na-shy pa sya konte pero tinanggap parin. Alam ko, nakikinig rin sya kanina sa usapan namin. So, sana na bless din sya. Pagkababa ko sabi ko “thank you” ako na lang nagpasalamat. Grabe ang joy, unspeakable talaga!! Pagdating ko sa bahay 11pm na. Instead na magalit si Mami, gi-share ko to sa kanya… Nagbago tono boses nya. Pinag-prepare pa nya ako ng food. Galing ni Lord :) Iba!!! Haha. One of my best days! Sgro bakit “exclusive for world changers only” title ko. Kasi kung sa tingin nyo na-waste oras nyo sa pagbasa nito, at hindi nyo nakuha ang sense… Sorry :) Pero ang alam ko only world changers ang mai-inspire nto at magiging excited din to bless others!!! Thank you sa pag-read. God bless you! Di ko parin mapigilan smile ko. Good night!!